Tuesday, April 21, 2009

@_@ Sorry.haha

He does dazzle me. But it's like I'm Edward Cullen and he's Bella Swan.


Why???
with a big W and three questin marks.



'Cause I can't read him. He's unpredictable. I can't stay away from him and resist him. Well... It really is frustrating.

Wala lang. Pero seryoso yun. haha minsan talaga, hindi ko siya maintindihan kung bakit ganoon ang reaction niya. Tapos maiinis ako sa sarili ko at sa kanya, kasi hindi ko talaga maintindihan kung paano ko siya mapapangiti.
(tss. ako pa talaga ang dapat magpangiti noh.haha eh ganun eh, babae siya ako yung lalaki.)

Haha. Minsan ako pa dapat mangsuyo. Nakakainis. HAHA. Pero ayos lang. Tanga kasi ako eh.
Yung kantang Take Me With You ng Secondhand Serenade yung gusto niya na iplay ko para daw sa kanya... Alam ko na yung intro, yung pinaka magandang part. As in kayang kaya ko na gawin... Pero sa kasamaang palad, ninerbyus ako ng sobra-sobra. Nanginig kamay ko at namawis, nagkamali yung mga napluck ko na strings at namali yung frets. Patawa. Nakakahiya. Ewan ko ba kung bakit ganun, hindi naman ako natatakot dati dun.:))

Bwisit. Pahiya talaga ako. Hindi ako naggitara ng ilang araw dahil dun. Nanginginig pa rin ang kamay ko.haha wala lang. Nashare ko lang. Kasi, wala lang. Gusto ko lang talaga ilabas. Nakakapagpabagabag kasi. :D

Hmm. Wala lang. Wala ko maisip na patawa ngayon. Blanko ang lokong isip (blanko pala ang ganito kahaba nuh, haha parang sira). Pero seryoso, wala talaga akong masabing matino. Pasensya na kung puro tungkol na lang sa kanya. Yun lang talaga naiisip ko ngayon.(Parati naman eh.)

Nga pala, andito ako sa U.P. Diliman, sa bahay ng auntie ko. Haha. Wala lang. Nisasabi ko lang sa inyo. Medyo boring nga, kasi walang magawa eh. Dagdagan pa ng makulit na six-year old na kapatid na sasabihin sa'yo "ACHI! AKO NA! AKO NA! WALA AKONG MAGAWA! TSK! AKO NA KASI! GUSTO KO NA!"Haha. Medyo nakakairita. Kanina pa yan eh. Alam niyo gagawin niya? PET SOCIETY lang. Hmp.

Ayon. Bagot na bagot na ako. Sige. Lalayas na ako. Sorry kung mahaba at parang may alter ego ako na nangbabara sa sarili.


Ingat kayo. Have a nice day. =P



No comments:

Post a Comment